bc

My Unexpected I do

book_age0+
2.9K
FOLLOW
8.7K
READ
contract marriage
family
love after marriage
second chance
arranged marriage
arrogant
boss
drama
like
intro-logo
Blurb

What would you do if your bestfriend sets you up to a wedding with someone you barely know and you have no choice but to say "I do"?

Would you find a way to eventually escape or you will find a reason to stay and love your instant husband?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nanginginig ang mga tuhod ni Cindy habang siya ay umaakyat sa stage. She could not believe that she’s already graduating dahil seven years niyang binuno ang college.She took up Business Administration major in Marketing Management and Entrepreneurship to help in runningher family’s business. Akala niya ay madali lang pero marami rin palang math subjects sa course niya. “We’re so proud of you, Cindy,” her dad said as hehanded her a bouquet of roses. “Ate, finally!” pang-aasar ng kaniyang bunsong kapatid na si Anton. “Ay, grabe ka,” sagot niya habang nakangiti. Bigla silang natahimik na tatlo na para bang may anghel na dumaan. Perhaps, they remembered Dolor, their mom, who died of heart attack. Cindy felt the awkward silence, so she cheerfully added, “Wherever mama is, I know she’s smiling and happy.” “Tama ka, Ate. Let’s celebrate. Bukas aalis ka pa papuntang Vegas, ’diba? Daya!” Her trip to Las Vegas is a graduation gift from her dad.She will be going with Pinky, her classmate and her bestfriend, who is also three years her junior. “Ate, ilakad mo ’ko kay Ate Pinky, ha? Age doesn’t matter naman, e.” “What? Maraming manliligaw ’yon, ’di ka niya mahihintay.” “So? Ikaw ba, Ate, may manliligaw?” banat ni Anton na ikinainis niya. Tumakbo si Anton na siya namang hinabol niya. Paano, nang-aasar na naman na single siya! Walang nagawa ang ama nila kunghindi pagmasdan na lang sila na naghahabulan, si Cindy habang nakatogaat si Anton habang suot ang kanyang formal attire.   ***   Cindy is already an hour late. She was supposed to go to the airport at 6 a.m. kahit 10 pa ang flight nila. She has no idea why Pinky wants them to be there that early. Pawisan siyang tumakbo sa kaibigan at sa hindi inaasahang pagkakataon aynatilapid siya at pumlakda sa semento. Patay!Magkakaroon na ng peklat ang pinakaiingatan niyang legs. Kitang-kita ang kakinisan nito sa navy blue shorts na suot niya. “Clumsy.”Nagulat siya sa lalaking nag-abot ng kamay para tulungan siyang makatayo. Napatingin siya at bahagyang kinilig sa lalaking kaharap. Medyo makapal ang kilay nito pero bumagay naman sa malantik at kulay tsokolatengmga mata nito. Naamoy rin niya ang Axe deodorant ng lalaki at may kung ano siyang naramdaman, but she set aside those thoughts when she realized that the guy just called her clumsy. Hindi niya pinansin ang kamay ng lalaki. Tumayo siyang mag-isa at umupo para ayusin ang shoelaces niya na parang walang nangyari. She went up to Pinky with a pleading look. “Sorry, bestie. Woke up late,” sabi niya habang nakanguso pa. “What’s new?” sagot ni Pinky na nakataas ang kilay pero may ngiti sa labi. They hugged each other and laughed. Pinky took her first aid kit from her bag to clean Cindy’s wound but . . . “Let me do it.” Napalingon si Cindy sa nagsalita at nakita uli’yong lalaki na tumawag sa kanya ng clumsy. “I can do this, Kuya,” saad ni Pinky. “No, give it to me,” sagot naman ng lalaki. “Wait, bago kayo mag-away kung sino ang gagamot sa sugat ko, pwedeko bang malaman kung bakit kayo magkakilala?” singit ni Cindy sa dalawa. “Stupid.” Nainis si Cindy sa sinabi ng lalaki. Bingo na ito sa kanya. “You’ve been calling me names, mister. Just to tell you, I’m Cindy. Not clumsy!Not stupid!” Pinagtinginan sila ng ilang tao dahil sa lakas ng boses niya. “Oh, I see. I’m Julius, Pinky’s brother,” bored na sagot nito. “Bestie, sorry not to tell you, Kuya’s joining,” balita ni Pinky habang nakadikit ang kaniyang dalawang palad. “What?!”   ***   Hindi maintindihan ni Cindy kung paanong naging magkatabi sila sa eroplano ng kuya ni Pinky. Ayos lang naman sana kasi mukha naman itong anghel, pero ang ugali, ugh!Ang sarap ibaon sa lupa! Pilit niyangkinukuha ang tingin ng kaibigan. Pero alam yata nitong naiinis siya dahiltodo iwassi Pinkyna magsalubong ang kanilang tingin kung kaya’t naglagay ito ng takip sa mata. Napabuntong-hininga siya. This should be a memorable vacation. Excited siyang magp-ost sa IG at f******k account niya. These past years aynaging inactivesiya sa social media dahil sa kahihiyan. Most of her batchmates arealready successful.Siya? Magsisimula pa lang. Oo nga at may business sila at maganda naman ang takbo nito, pero ayaw naman niyang nakapasok lang siya dahil anak siya ng may-ari ng company. She wanted to create a name of her own. “First time mo?” Nagulat siya nang magsalita ang katabi. Masarap palang pakinggan ang boses ng lalaki sa malapitan. Medyo husky na parang galing ng concert. Na-imagine tuloy niya bigla na ka-duet ang lalaki sa videoke at kinakanta ang popular songs ng Michael Learns To Rock. Hindi niya mapigilang mapangiti nang bahagya. Sinaway ni Cindy ang sarili dahil sa mga naiisip. Tumingin siya sa kabilang upuan para i-check kung may ibang kausap si Julius, pero mukhang siya nga ang kinakausap nito. “Are you talking to me?” patay malisya niyang tanong. “Who else?” Lumingon lingon ang lalaki na para bang sinasabing, Bulag ka ba? Ikaw lang ang katabi ko. “What do you mean?” “What?” nagtatakang tanong ng lalaki. “I mean, what do you mean with you asking me kung first time ko?” Naramdaman niyang umikot ang mata niya. Ganoon kasi talaga si Cindy kapag hindimaintindihan ang mga bagay-bagay. The guy chuckled.“Hey, is it really your first time?” “First time on what? Alam mo, Kuya Julius, hindi ko maintindihan ang tanong mo. Pwedeng bumili ka na lang ng kausap mo?” She gave emphasis to ‘Kuya’ para intense. Joke! Para malaman ng lalaking ito na dapat umayos siya dahil mas matanda ito sa kanya. “You’re not only clumsy and stupid, but slow, too. I can’t believe you’re Pinky’s friend.” Napasinghap siya sa sinabi ni Julius. Sasagot pa sana si Cindy nang lapitan sila ng flight attendant para kausapin. Bahagya siyang nainis kasi it looks like Julius is flirting with the FA and vice versa. Who cares? ang naisip niya. Pinikit na lang niya ang mga mata para matulog, but she failed. She can feel Julius’ eyes were on her. Malaki pa naman ang eyebags niya kasi napuyat siya kagabi kase-search ng pwedeng gawin sa Vegas. Malay niya ba na kasama nila ang kuya ni Pinky? “Are you really 23? You don’t act like one,” pangungulit ni Julius sa kanya na hindi na lang niya pinansin. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang sumandal si Julius sa upuan na parang matutulog na. Naghintay pa si Cindy ng ilang minuto bago niya minulat ang mga mata at gaya ng hinala niya, nakapikit na nga ito. Napalunok siya,kahit ang adam’s apple nito ay magandang pagmasdan. Crush material si Kuya! She brushed off the idea. Hindi siya pwedeng magka-crush sa gwapong lalaking may pangit na ugali. Never! She took out a small Bible from her bag and started reading. Ngayon ay nasa Book of Mark na siya. Saglit siyang napatigil sa pagbabasa nang maisip ang ina.She remembered her mom. Until her last remaining days,she held on to her faith pero siguro ay hanggang doon na nga lang talaga. She was about to continuereading when she felt Julius tapped her shoulder. “You’re reading that?The way you act doesn’t show that you’re reading the Bible.” “How judgmental. Like as if you really know me. Ikaw nga ang pangit ng ugali mo.” “Well at least, I’m not reading that.” “Just so you know, I got this Bible from some guys who went to our school a month before our graduation and gave this to us for free. Sayang naman kung itatapon ko lang,” explains Cindy. “Well, if I’d give you men’s magazine for free, would you read them?” nakangising tanong sa kanya ni Julius. Nagulat si Cindy na malikot pala ang utak ng kapatid ni Pinky. Honestly, she was not yet ready for it kasi pangaral sa kanila ng mama niya noong buhay pa ito ay hindi maganda ang mga laman niyon. Makasisira daw ng pag-aaral. Pero ngayong tapos na siya, pwede na nga kaya? “Do you want a copy?” “No, thanks.” Nag-side view siya ng upo para hindi na siya kausapin ng lalaki. “Well, in my personal belief, it’s a form of art.” “An art should be something that encourages creativity and not promiscuity." Nagulat si Cindy sa sinabi niya. Hindi niya alam kung siya ba talaga nagsalita. “It’s how you see things that makes you do crazy stuff. But honestly for me, there’s nothing wrong with it. It’s still an art. Period.” “You know what, I don’t care about your thoughts. Kung marunong kang umintindi, sana kanina mo pa napansing ayaw kitang kausap.” “And that’s coming from a woman who reads the Bible. Bravo!A round of applause for you.” Huminga si Cindy nang malalim at naisip na kainin na lang ang pride niya. He has a point.Even her brother calls her peevish. “Kuya Julius, I’m sorry. I just woke up on the wrong side of the bed.” She saw Julius smiled and pinched both of her cheeks. Nabigla siya sa ginawa ng lalaki pero dinedma niya na lang. “But, Kuya Julius, I really don’t think it’s completely a form of art. In a way, women are violated, too.” “Good thoughts.” “Huh?” “I said you have a point. Matulog ka na, mahaba pa ang biyahe.” He smiled at her but she decided to ignore him. She closed her eyes to sleep when she heard him talk again. “I’m sorry, too. I hope we will work things out. Matagal tayong magkakasama.”   ***   Narinig ni Cindy sa kuya ni Pinky na hindi makakasama ang lalaki sa first day of exploration nila. She doesn’t know why but she feels something inside of her. “’Oy, bestie, ’di ka pa ba tapos magbihis? Kanina pa ’ko naghihintay dito,’oy!” Sunod-sunod na kinatok ni Pinky ang kwarto niya. Tig-iisa silang kwarto sa loob ng bahay na nakuha nila. Actually, she didn’t know what happened. The initial plan is to get an inexpensive hotel and share the room. Probably, Pinky’s brother has connections since he’s a businessman and got a nice offer for this house. Or maybe he knows someone, a relative perhaps, who made them use the house for the meantime. She really has no idea. Truth is, kahit mag-bestfriend sila ni Pinky,marami pa ring hindi naikukwento ang kaibigan. Gaya ng may gwapo pala itong kuya. Sinaway ni Cindy ang sarili sa pag-iisip na gwapo ang kuya ni Pinky! Binuksan niya ang pinto at nagulat siya na hindi lang pala si Pinky ang nasa harapan niya kung hindi pati ang lalaking kanina pa gumugulo ng isip niya. “Sorry, bestie, medyo masikip na kasi pala ’tong blouse ko kaya I’m not sure kung okay lang ba ’to.” Cindy pointed to the sleeveless blouse with a V-neckline that she’s wearing. It has ruffles at the hemline and it matches her skinny jeans which highlights her butt. Sabi nga nila, if you have it, flaunt it. Anyway, 23 na siya at hindi na kailangan pang magpaka-conservative. Hindi naman revealing ang damit niya, sakto lang. “Pinky, I thought you said that you will explore Las Vegas, you didn’t tell me that you will look around to call out for boys.” “Ano, Kuya?” naguguluhang tanong ni Pinky. “Bestie, okay na ba ’yong suot ko?” singit niya sa magkapatid. “Okay na okay, bestie! Ang ganda-ganda mo talaga! Sabi ko kasi sa ’yo noon sumali ka sa Ms. School of Business at siguradong mananalo ka.” “I don’t think your attire is appropriate, Cindy. It’s cold outside. Sleeveless is not a good option,” authoritative na sabi ni Julius. Gusto pa sanang makipagtalo ni Cindy pero nagbago ang isip niya dahil ayaw niya sa negative vibes. “Don’t worry, Kuya. Makapal ang balat ko at kaya ko ang lamig sa labas.” Kinindatan ni Cindy si Julius na ikinagulat nilang tatlo. Saan ba nanggagaling ang actions niyang ganito? Mabuti na lang at magaling siyang umarte. “Aray!Bestie, check mo nga. May pumasok yata sa mata ko,” pag-iiba niya ng topic.Lame, naisip niya. “Let me,” sabi ng lalaki. Next thing she knew, Julius’ face was close to hers and that made her heart skip a beat. Kaninang magkatabi lang sila sa eroplano ay hindi na siya mapakali, how much more now that their faces were just an inch away from each other? Even his manly scent did not escape from her nose. Si Cindy na ang nagkusang umiwas dahil baka sa kung saanpa mauwi ang nararamdaman niya. “Ahm . . . no need. I’ll just check it myself in the mirror.” “No.” Julius cupped her face and lower his head to hers. Napapikit si Cindy. Ito na ba talaga ang first kiss niya? Sa harap pa ng bestie niya? Andthe worst, hindi man lang siya magre-react o papalag! Patay siya nito sa mama niya kung nabubuhay pa ito. Lagi siyang sinasabihang huwag magpapadala sa bugso ng damdamin dahil sa huli, ikaw ang lugi. Tinulak niya nang malakas si Julius na siyang naging dahilan para ma-out of balance ang lalaki at mapaupo sa semento. “What the?!” bulalas ng lalaki. Nabigla si Pinky sa ginawa niya sa kuya nito. “I’m sorry. I really am.” Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag ang nagawa. Kaya nagmadali siyang lumapit sa lalaki at iniabot ang kamay. Tinabig naman siya ni Julius at hinarap. Ngayon niya lang napagtantong matangkad pala ito at hanggang dibdib lang siya. Matalim na tingin ang ibinigay nito sa kanya. Makikita sa mukha nito na nagtitimpi ito ng galit. “You woman!You’ve been trying out my patience. I did all my best to act okay with you. Pero kung ayaw mong maging okay tayo, never mind. In the end, YOU HAVE NO CHOICE.” Tumalikod si Julius at iniwan sila. Dahil sa nangyari, mas malaki ang posibilidad na hindi na sumama si Julius sa Las Vegas Exploration nila.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.2K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.4K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.4K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.6K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook